Not seeing a Scroll to Top Button? Go to our FAQ page for more info.

it’s 11:40 and i can’t breathe from all the cat fur i inhaled. i think about the way he pats my back when i can’t breathe, only to take it away when he plants me a kiss. because when he kisses me, i can feel the daisies blooming in my lungs.

he cups my face in the gentlest way i have ever had my face cupped, and my worries melt like butter on the palm of his hand. his hands are almost the same size as mine, and yet he holds me together better than i do, only to melt me again with his soft touches.

he snoozes off like a birthday candle blown—instant. i have learned that the decibels of his snores are inversely proportional to the joules of energy he has left. i stare at him and admire him at his most vulnerable, and as his snoring sounds sync with my breathing patterns, i therefore conclude that the amount of time i spend staring is directly proportional to the number of walls i allow myself to break down.

i am not sure if i am worthy of the prayers he told his god, but i want to be. because he deserves more than all the love i can give, and i’d be happy to spend my tomorrows beating myself to it. and boy i hope that’s enough.

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image

Pride March 2022
CCP Open Grounds
Pasay, PH

uhaw na uhaw ako sa yakap. pero alam ko na pag may yumakap sakin, hindi ko mapipigilan bumuhos yung luha ko. sobrang lungkot. sobrang sakit.

kanina pa kasi ako nagpipigil ng luha. saksi nito yung tarpaulin ni leni sa bandang likod ng e-jeep, yung pamaypay na may mukha ni chel diokno na nasa lamesa ko, at yung tinta sa hintuturo ko. kasi hindi ko sila matignan nang hindi ngumingilid yung luha sa mata ko. nahihiya ako para sa pilipinas.

pero kaya ko ‘to isinusulat kasi ayokong makalimot.

gusto ko alalahanin 'yung saya na naramdaman ko noong minsang kumain kaming pamilya sa binondo at biglang lumabas ang balitang tatakbo si vp leni sa pagkapresidente. nagpalit kami agad ni syoti ng cover photo sa facebook bilang suporta. bagong bago, may pagka-retro pop art na hipster, tapos kulay pink. doon din nagsimula yung branding niya na kulay pink.

ayokong makalimutan yung gabing nagvolunteer ako sa relief ops sa leni-kiko hq volunteer center para sa mga nasalanta ng bagyong odette. may mga bagong tao akong nakilala, mga bagong finollow at followers sa ig, haha. at kahit huling gabi na ng volunteer work yun, mainit pa rin yung pagtanggap na nakuha ko. hindi ko naramdamang naiiba ako, kasi lahat iisa ang hangad. sa registration ako naassign, kaya naramdaman ko kung gaano kasarap makipagusap sa mga volunteers na kakarating pa lang at volunteers na pauwi na. yung kislap sa mata nila kapag nag-abot na ako ng pauwing tarpaulin, pamaypay, komiks, at stickers. alala ko, meron pa ngang bagong dating na volunteer no'n na hinoldap sa may tulay sa katipunan, malapit lang sa hq, pero umuwi siyang doble yung perang ninakaw sa kanya kasi nag-ambagan yung ibang volunteers para mabawi yung nawala sa kanya. at lalong hinding hindi ko malilimutan yung palakpakan nung naisalansan na sa loob ng truck ang pinakahuling truck ng mga relief goods na babiyahe papuntang siargao. napakasarap sa tenga.

gusto ko ring maalala yung panghihinayang kong hindi ako nakasama sa pinakaunang rally sa commonwealth, kasi nasa baguio ako, at yung kilig ko nung sa wakas, nakasali ako sa rally sa pasig. linggo yun. niyaya ko si judy at lorenzo, at nakita ko pa yung ibang mga orgmates ko. mahina ang signal. sobrang siksikan ng mga tao. para bang nabura na sa isip naming lahat yung pandemya, kasi sobrang palpak ng gobyerno at lahat uhaw sa pagbabago. pero wala akong nakitang hindi naka-mask. may namigay pa ng pink na pandesal. nanawa ako sa kakasabi at kakatanggap ng “excuse me po” at “sorry po” sa bawat kakampink na nakasalubong at nakabungguan ko. hindi ko maipinta kung gaano ako kasaya no'n. umapoy yung pag-asa sa dibdib ko. iba yung warmth na naramdam ko sa mga kakampinks na nakasama ko. nakakaproud. pakiramdam ko, ligtas ako at hindi ako mababastos. dun ko talaga tinatak sa sarili ko na gusto ko ng ganoong klaseng pilipinas, at sa sandaling yon, mukhang posible naman.

ayoko ring makalimutan yung pakiramdam na dumalo sa miting de avance kasama ang buong pamilya ko. biggest flex ko yata ngayong taon ay yung ang buong pamilya ko ay for leni-kiko. nakakakilig talaga yung tunay na pagkakaisa na mawiwitness mo kapag dumalo ka sa pagtitipon ng mga kakampink. halu-halong estado sa buhay, edad, kasarian, sekswalidad, relihiyon, paniniwala, pero iisa ang kinakanta. pare-parehong gusto ng malinis na pilipinas. sabi nung isang placard ng umattend non, “ganito pala pag may pag-asa, ang saya saya.” tama siya.

gusto ko ring maalala yung iyak ko nung inendorso ng mga magsasaka si kiko, kahit na sa livestream ko lang napanood. yung mga funny shit na nabasa ko sa mga groups na sinalihan at pages na sinundan ko sa facebook, kasi napagaan nila yung bawat araw na nabubwisit ako sa mga supporters ng kabila.

at panghuli sa lahat, ayokong makalimutan itong nararamdaman ko ngayong lumalabas na ang resulta ng eleksyon. yung nakakapanlumong pakiramdam na gusto mong sumuko kasi ang tanga lang talaga. higit sa galit ay lungkot at pagkadismaya. ngayon na lang yata ako humagulgol ulit simula nung iniwan ako ng ex ko. wasak. sawi. awts. pain. pighati, matindi.

pero sabi nga ni doc tricia, “there’s grief that sows unproductive anger, but there’s a kind that reminds you of how fiercely you cared and that propels you to love and try harder.” gusto ko 'yon. gusto ko 'non. kasi ayokong mapagod magmahal. lalo na kung sa tamang tao, yung mga deserving, yung mga nasa laylayan na tunay na nangangailangan, yung mga batang maaapektuhan ng bawat desisyon natin. pero kung marcos apologist ka o supporter ka ni robin padilla, ijujudge pa rin kita habambuhay.

sa ngayon, hindi ko na alam kung gusto ko pang magkaanak, pero kung sakaling magkaanak ako, gusto kong malaman niyang hindi ako nanahimik. na tumindig si nanay para magkaron siya ng mas promising at kulay rosas na kinabukasan. yung may kalayaan siyang maging siya, magsalita, at mamuna. at kung babae siya gaya ng hinihiling ko, gusto kong malaman niyang pinapangarap ng nanay ang isang bansang ligtas para sa kanya at bansang kikilalanin yung kakayahan niya bilang babae, kasi 'yun ang deserve niya.

sinimulan kong isulat 'to na humahagulgol. pero tinatapos ko 'to ngayon na nakangiti. kasi malinis ang konsensya ko. hinding hindi ko pinagsisisihang tumindig ako para sa mga pilipino, kasi alam kong nasa tamang parte ako ng kasaysayan. kahit gaano kasakit, hindi mawawalan ng pag-asa.

wala namang nasayang. paparating pa rin tayo sa exciting part, medyo nadelay lang. 🌷

i’m not sure if i should believe a stranger on the internet when he says he likes me a lot lot, but at 8:36pm, i wanted to put him in my pocket so that i could keep him forever. at 8:44pm, i overthink if his feelings are genuine, but at midnight he tucks me in a blanket of green flags before he sleeps. so i stay awake thinking about what it would feel like to hold his hand.

everyone says be wary of the strangers you are yet to meet. i haven’t seen him yet, so i can’t tell you how engrossed he looks like when he’s cooking scrambled eggs at 9:32 in the evening, or how satisfied he appears to be 36 minutes later after he takes his first bite. i can only imagine how he trances into another world when he codes at 5:12pm or when he writes about life at 11:12 at night. but at 1:56am, i think about what it would feel like to bury my face into the crook of his neck.

i used to think it was absurd to be fond of someone—a being as fickle and as human as yourself—you haven’t met yet. but he bid me good morning at 3:54 in the afternoon once, and now i am writing about him at 12:54 in the morning. and this is what’s going to happen: i will greet him good night at 2am and fall asleep smiling, praying to whoever listens out there that maybe out of the 7.9 billion people currently inhabiting the planet, maybe i can keep this particular one with me for much longer.

Keep reading

Anonymous said

Hi lois lane. Wala bang bagung post jan?? Hehe have a nice day po. :)

hello, sorry sa 6-day late na response kasi ngayon ko lang nakita ‘to hahaha, kung sino ka man 🥲 sksksk sorry din wala akong maiooffer na writing/photoset sa ngayon kaya ishshare ko na lang kung anong iniisip ko at the moment:

so kasi ano, it’s a fact na babaeng lamok lang naman talaga yung nangangagat sa mga tao at nagffeed on blood meals (yung mga lalaking lamok, they feed on plant juices, basically harmless). tapos ako kasi, lapitin ng lamok talaga.

so eto nga, iniisip ko lang kasi kung considered ba tong woman-to-woman oppression, kasi kinakagat at sinasaktan nila ako kahit kapwa babae rin aq 😤

o dapat ba hayaan ko na lang, kasi bilang babae rin, gusto ko rin naman makatulong sa kapwa ko babae 🤷‍♀️ hahahahsksksks martir yarn

pero kung dun ako sa latter option, pano ko kaya sila matutulungan na magfeed sa mga lalaking basura na lang ganon?

whatchuthink? h e l p :(((

image
image
image
image
image
image
image
image
image

proof that we are pretty much a different person to different companions (*ᴗ͈ˬᴗ͈)ꕤ*.゚

sa gitna ng bahay namin at pinapasukan kong trabaho, maraming tunnel. sabi nila, pag napadaan ka raw sa tunnel, pigilan mong huminga hanggang makarating sa dulo, at pag nagtagumpay ka, matutupad ang iyong hiling. palagi kong hiling noon ang bumalik ka sa’kin, kaso palagi rin akong natatrapik. nauubusan ng hangin, napipilitang huminga ulit. tila ba pagod na rin sa katangahan ko ang mundo.

minsan, hindi pa rin ako makapaniwalang wala nang parte ng suot kong balat ngayon ang nahawakan mo sa kahit paanong paraan. na hindi na maalala ng mga kamay ko ang lambot ng mga kamay mo. na hindi na matandaan ng mga labi ko ang init ng mga labi mo. na hindi na kabisado at hindi na hinahanap ng sistema ko ang bawat haplos at kilos mo. pisikal na binura ka na sa akin ng panahon. ala-ala ka na lang. at ang ala-ala, maaaring tama, maaaring mali. maaaring nangyari, maaaring hindi. maaaring panaginip pala, maaaring guni-guni. kung alinman, hindi na ako interesado. wala na rin kasi siguro akong sagot na inaasam na manggaling sayo. o para mas madali, hindi na ikaw ang sagot.

isang beses noon pauwi galing trabaho, noong hindi na ako masyadong malungkot, sinubukan kong hilingin na lamang na matutunan kong tanggapin ang lahat. humarurot ang dyip. walang trapik. hindi ako naubusan ng hangin. hanggang ngayo’y humihinga pa rin.



Lois M.
My whole name’s a mouthful so just leave it like that. And yes, my parents got it from Lois Lane. I am 22 years young, from Manila, PH. And I think the one word that would best describe me is ohsodamnunpredictable!
DVM
I take classes at UPLB and I think the most suicidal choice I ever made yet is shifting to Veterinary Medicine.
Litratista
One time way back my early sophomore days, in a blink of an eye, I decided to join UP Photographers’ Society, and I don’t regret it a bit. The org family is awesome! So if you're from my school, too, and you have a passion for photography, check us out, and maybe be a part of the family! (PS. We don't require cameras!) #shamelessplugging
Photography
I own a Nikon D5100 I named Eurydice, plus a kit lens and a prime lens. Also, an Instax Mini 20 named Atlas. Sometimes, I use my 20-somethin'-year-old Pentax Zoom 60-X 35mm film camera, which is a hand-me-down from my mom, and as well as a 35mm Samsung film camera, a hand-me-down from my dad; they don't have names hihi
Post-processing
I use Photoshop CS6, and I mainly play with curves, exposure, and brightness/contrast. I have a folder of downloaded curves, and I rarely download actions because they take much space, but I do have some personal actions that I sometimes use.
Collaborations?
Sure! Why not? Just send me a message here or e-mail at lssmnth@gmail.com.
All Time Low
If you love ATL, we should be friends!! haha
Recommend some blogs?
I made a page for this before, but it’s not updated. Anyway, here: Click.
Anything else you want to know? Ask away. :)
"Sometimes I think my head is so big because it is so full of dreams." —R.J. Palacio
acuite